Thursday, October 26, 2006

The Way I Speak.

Expected sa isang empleyado ng call center ang magaling mag english at maganda ang accent. pero bkit ako parang wala lang, hindi nman ako carabao english pero hindi ko pa rin feel yung mga accent churva ng isang call center agent. naalala ko nung madaling araw pako nagtratrabaho, nagkaron ako ng caller na matandang lalake, nagtatanong about sa doggy steps. eh hindi pako masyado sanay so sabi ko "ill put u on hold" aba kala nia cguro hindi ko naririnig, sabihin ba sa kasama sa bahay, "MUST BE INDIAN". ngo ngo.

pero minsan nman meron nga customer na sabi buti nlang ako nakausap nila kc tumawag na cila b4 pero di nila maintindihan ang accent nung nakausap nila. buti daw sakin clear and neutralized. pero meron din nman na barubal na customer. sabihin ba nman na i dont wanna descriminate you, but i wanna talk to sum1 who speaks english. aba di tinarayan ko, sabi ko im speaking in english. you can understand me, i can understand you. WE CAN TALK. eh binagsakan ako so wlang nanyari, heheh.

Tpos meron ako nakausap na lalake, taga saan daw ako, kc kala nia galing ako west indies. so google tyo kung saan ng west indies, carribean pla. so iguana accent pla ako.

Ang huli na nagcomment sakin, babae, meron daw sha officemate na kapareho ko magsalita, so tanong ako, anong nationality nun?.

"PERSIAN". Pussing pussy ang dating ko sa phone

No comments:

Post a Comment