2 days na restday kaya nasa bahay lang ako pero deep inside gustung gusto kung lumayas at magliwaliw pero wala naman akong pera...tsaka gusto ko sana, merong kasama pero mahirap kc konti lang friends ko tsaka hindi sila makasabay sa gimik ko. Naisip ko na mag soloista nalang ang drama ko pero ang lungkot nman nun, tsaka if ever gagawin ko yun, gus2 ko nasa malayong lugar talaga (aman polo? why not)
Sa two days na yun. ilang beses akong nagtalo kung iinum ba ako ng san mig light pampatulog, (mga 14 bottles hehe) pero dahil mainit tsaka tinatamad ko kya natulog nalang ako. Bago pumasok, nag txt si mareng geisha, nsa highway ang potah, balak na yatang magpakasagasa sa pedicab, ewan ko ba sa isang yun, nagleave ng halos one week, wala nmang pupuntahan. burnt out na daw sa work. sabagay ang hirap matulog sa office no, ang sakit sa likod ng mga upuan. Actually ako din burn out na. ang hirap na ngang hilahin ang sarili para pumasok eh. pero kaylangan eh.
so nagkita nalang kami ng kumare ko, usap usap. plano plano. kakatamad na magtrabaho kaya naisipan namin na magbusiness nalang, pero dahil tamad kami pareho, wala rin kaming napagdesisyunan ,bahala na next. time nalang.
Anyway, ang hirap ng lagay namin, subrang idle and monotonous na. ako rin nararamdaman ko ang psychological effects ng pagiging redundant ng buhay. i need spice, i need life. Nung naghiwalay na kmi, nadepress ako and i dont know the reason. basta sad lang, mejo natuwa ako sandali kc nakita ko yung ibang site ni kumare and tlagang humanga ako pero after that, balik sa dati. SHEEET gusto ko na magkaboyfriend na kaladkarin. i mean yung pede kong dalhin kung saan saan. Nga pala. I can fully say na im over na sa drop-out namin ni baby D, pero bakit ganun, after acceptance tsaka dumating and depression. samantalang ang stage of grieving. number 4 si depression tas number 5 si acceptance. ewan ang gulo.
Sa subrang wala akong magawa. nakita ko ang kutsilyo, anu kaya maglaslas ako noh? kaya lang ang pangit ng headline sakin, "Diosa, sa subrang bored, naglaslas". eeewww. hindi glamorous. talaga ngang "Idle mind is the devils playground" tanginang mga demonyo to, ginawa pang paraisong pambata utak ko.
Have a happy week everyone~ IF HINDI HAPPY, INUMAN NALANG. HEHEH
No comments:
Post a Comment