Wednesday, April 25, 2007

Binaboy na pagkatao!

Restday ko kaya naisipan ko na ituloy na yung plano na magoppen ng bagong ATM account para nman makapag-ipon ako bago man lang ako umabot ng early retirement sa year 2046. Kaylangan daw ng 2 valid ID's o kaya 1 primary ID tpos 2 supporting ID's. Eh kaso isa lang talaga ID ko so punta ng SSS pra magapply for an ID tpos dadaan ako sa BIR para kumuha narin ng ID dun. Putcha buti nalang epal ako pag online. napansin ko sa webpage ng SSS na mali spelling ng pangalan ko.

default

Pokpok na empleyado ng arroceros yan, San ka ba nman nakakita ng CHRISTOHER na pangalan?. So three weeks pa daw ang aantayin ko para ma correct ang name ko tpos saka ako pede magapply for an ID. Eh goodluck kc pinagpala kana ni bathala pag nagawa ang ID mo in one month. NYETA~So punta na kmi ni nanay sa BIR. kc kung saan daw ako naissuehan ng TIN eh dun lang pede magrequest ng ID. PIla ako. submit ng name! "dikta mo sakin ang TIN NUMBER MO!" (si lola employee redundant) 242******, "Teka lang mahina kalaban isa isa lang" "balik ka ng ala una kc lunch ko na, kaylangan din namin kumain noh" sabay ismid sakin ng centennial employee. wala tuloy akong choice kundi makipagplastikan sa nanay ko, (HEHEHE) choze lang kc nagbonding nman kmi kahit papano, kc ibili mo lang ng sago't gulaman yun masaya na yun ng tatlong linggo. Ala-una balik ulit ako, lapit sa mas fresh na empleyado (same employee na nagissue ng TIN ko 1 year and 5 months ago)para hingin yung ID. Si ancient employee pala eh iniwan lang sa table kaya si fresh employee pa ang ang process. 1.19 mins lang nabigay na sakin ang TIN ID ko.! (nuknuk) tapos

Punta ako sa HR COMP AND BEN main office para itanong yung philhealth card ko at kung pano yung process ng pagkuha ng replacement ng lost maxicare! "Someone will email you about your philhealth card" sabi sakin ng wart infested comp and ben personnel. actually last feb ko pa nareceive yung email. sabi ko! "eh bakit ngayon mo lang pinuntahan? taray ng wart infested personnel. Kc sa kabilang bldg ako eh, epal ko sa kanya. Dun mo nalang puntahan! ngitngit ng wart infested personnel. Layas nako baka kumalat pa yung warts sa buong mukha nia.

default

Kain kami tokyo-tokyo ni nanay tpos larga ulit papuntang BDO, "Ma'am hindi po namin natatanggap yang TIN ID nio kc walang signature tsaka hindi laminated" sabi sakin nung flat-faced teller na may katabing head teller na mukhang jacket ng teeth. so labas kami ni nanay hanap ng naglalaminate tpos balik. (by this time pagod na pagod ako) 20 mins na kami nakaupo pero daan lang ng daan yung flat-faced teller. Lipat ako sa mas mabait. "Ma'am, papa-approved ko lang po ah?" sabi skin nung new teller/ mamayang konti lapit sakin yung mukhang jacket ng teeth. "Ma'am wala na po ba kayo ibang ID? kc po mejo magkaiba yung signature?". "Hindi ba pedeng kumuha nlang kayo ng signature specimen?" tanong ko! (sa chinabank kc ganun ang procedure. diba choleng?) "Ipapaliwanag ko po ah, kc po sumusunod lang kmi sa ANO ng central bank, blah blah, bleh bluh blah." pero di ko na inintindi pa yung sinabi ng babaeng mukhang jacket ng teeth. isang greta line lang ang binitawan ko. "FORGET IT~ Im tired of this", sabay toss ng hair and walk-out!

Kasalanan ko dahil wala akong ibang ID. ninakaw kc yung wallet ko dati nung kubang katulong ng kapitbahay ng bestfriend ko. Tpos ayoko na talagang kumuha ng maraming ID kc mas mahirap papalitan yun from CHISTOPHER TO CLIO NICOLE. mas maraming ID kc mas maraming pagpapatunay na christopher nga ako! Dahil dito mas gusto kona tuloy sa ONE ID SYSTEM. pero meron akong mas magandang naisip, sana lahat ng tao meron nalang imbedded na microchip sa katawan, nandun lahat ng info, personal data, medical, legal pati last sex info, sino ka sex mo?, kung nasarapan kaba? ilang beses at kung mabilis bang natapos? Sa mga movies nakalagay itong mga microchip madalas sa braso o sa kamay, pero pano yung mga amputated? kaya naisip ko sa puwet nalang, Kaya tutuwad ka lang kung magpapascan. tpos kung gus2 mong personalized, merong umiilaw,(alitaptap mode) iba't ibang kulay at iba't ibang sequence, parang mamahaling christmas lights, pedeng mabilis pedeng mabagal depende sa mood. Tapos kung magaling talaga kayo, Pedeng mag tayo ng "BUTT LIGHTS SYMPHONY"

default

ADDITIONAL:

Pagpapatunay na im not gay, I have this carnal desire to shed off everything that labels me as a male form. Gay people happens to be fine with the sexuality they were born with and they just happen to be attracted to the same gender. I am a Transgendered woman. I am a woman who happens to resemble a male form. SO pede ba educate yourself. You look more stupid everytime you call me GAY~ coz im not! IM TRANSGENDERED~ I am a woman~ ginagawa pa nga lang vagina ko kc hindi pa tapos! OK!

No comments:

Post a Comment