Saturday, May 3, 2008

Ang nanay ko. Character talaga,. hehehe

Bagong sweldo, nagkaron ako ng salary increase ng four hundred pesos kaya Im so happy dahil sa 14 yrs kong pagtaratrabaho, 2nd time ko palang na increase-an. Pagka-uwi ko, naabutan ko si lola kasama ng tatay ko. so tinawag ko si nanay na lumabas. Aba ayaw at tinatamad yata. sabi ko bagong sweldo at bibigyan ko sha ng pera. Aba labas agad ang bruha.

CLIOGODDESS: magkano gus2 mo ibigay ko sayo?

NANAY: ikaw bahala.

CLIOGODDESS: tutal kagabi popcorn lang pinakain mo sakin, 2 hundred bibigay ko sayo.

NANAY: wag nmang ganun.

CLIOGODDESS: pahatid tayo kay tatay, tinatamad ako maglakad para magwithdraw.

NANAY: wag na, bigay mo nalang ATM mo. ako nalang magwithdraw.

CLIOGODDESS: yoko nga, baka withdraw-hin mo lahat, wala ng matira para sakin. hehehe

Biglang tumayo ang mothera at pumunta ng kusina, tapos bulung bulong. "hindi ako pinalaki ng tatay ko para mangupit noh, maswerte nga kayo at hindi kayo inuobliga na magbigay ng pera, kung magkano iabot nio, yun lang. kayo nga, ayaw nio sabihin kung magkano talaga ang sweldo nio.(grabeh pag tumatanda talaga, nagiging emotional)

CLIOGODDESS: Nay. shopping tayo!

NANAY: !!! (dedma)

CLIOGODDESS: Ay. Tinatamad nako, bigyan nlang kita ng 5 thousand.

NANAY: cge anak matulog kana. bigay ko nalang sukli mamaya.

Hehe, Nanay ko talaga, madrama. mukha nmang pera, bwahahahah,

NANAY: Nak, eto sukli mo, 3 hundred.

CLIOGODDESS: Huwaaaatttt>?>?> bakit eto nlang, anu pa gagastusin ko, 8 days na nman ako hindi kakain neto,

No comments:

Post a Comment