Sunday, February 18, 2007

RUSH HOUR

Pahingal akong dumating sa sakayan ng jeep dahil yung tricycle na nasakyan ko eh naisipang ibaba ako dun sa mas malayong kanto para daw mapagod ako sa paglalakad. Pagdating ko tatlong tao palang ang nagaantay para sumakay ng jeep. Lovers at isang lalake na malaki ang tiyan. So dun ako sa may WAITING SHADE pumesto para pag merong dumaang jeep eh ako yung unang makakasakay. Nakalipas ang ang ilang minuto siyam na pala kaming nagaantay ng jeep pero wala paring jeep na dumadaan. Ang siste pa, napanis kana nga kakahintay eh aagawan kapa ng jeep, naburaot talaga ako nung meron ng jeep na dumaan at yung mga hindi pa nakakapunta ng WAITING SHADE ang nakasakay agad so pagdating sakin eh puno na. Naisip ko nalang tuloy na dito talaga sa pilipinas, minsan minsan lang sipagin ang mga tao na magkaron ng disiplina. At pag RUSH HOUR talaga eh kaylangan kalimutan ang mga tamang sakayan at babaan dahil aabutin ka ng pagdebut ni Sharlene San Pedro bago ka makasakay. Pero teka ngayon ko naaalala, pano magkakaron ng RUSH HOUR sa pagpasok ko eh 5:30 AM yun?

No comments:

Post a Comment