Sunday, October 22, 2006

Mga eksena sa JEEP.

All my life ang gus2 kong sakyan eh jeep. dahil sa bus nahihilo ako, sa tricycle natatagtag ako, sa taxi, namamahalan ako and di ko gus2 ang car freshener nila. So true blue jeepney rider ako. ewan ko ba, natutuwa kc akong makita ang mga nakakasabay ko sa jeep eh, well buti nlang eh hindi pa nman ako nakakaranas ng masamang bagay sa jeepney experience ko, hindi pako nahoholdap, naisisnatchan o nasasagasaan ng jeep. so eto ang mga eksena na hindi ko malimutan:

  • Pag sumasakay ako ng jeep, bayad agad. So nagalit ako nung pagbaba ko eh sinabihan ako na hindi pa daw ako nagababayad. so pinaliwanag ko na nakapagbayad nko. Aba si kuya driver ayaw pumayag. so sa inis ko. dumukot ako ng barya at binato ko sa mukha ng driver sabay sigaw PU*&% *n#. Hindi ako yayaman sa limang piso. (Laking pagsisisi naramdaman ko nun kc halos 19 pesos yung binato ko sa kanya. SAYANG)
  • Nung gabi pako pumapasok, laging maganda ang mga suot ko, pero ngayon na umaga nako, sayang mageffort dahil ang mga kasabay ko eh maggugulay at natatandang ale na merong dalang bayong with matching hot pandesal galing palengke. so gudluck sakin dahil minsan amoy fresh isda ako or fresh kangkong.
  • 3 sakay ako pagpumapasok dahil walang diretso papunta sa office pero dahil short distances lang nman, hindi pa napapainit ang pwet ko eh kaylangan ng lumipat. Ang problema, dahil nga madaling araw eh konti lang ang ang sumasakay so si kuya driver humihinto sa bawat kanto at nagaantay for 5 mins ng pasahero. merong 7 kanto samin, so 35 mins ang nauubos kakaantay ng pasahero.
  • Speaking of pagaantay ng pasahero, Isang ordinaryong araw, nakasakay ako sa jeep, eh dahil first trip ni kuya driver, so antay sha pasahero. aba isang opinionated na babae ang nagreklamo dahil bkit daw ang tagal umandar. pasigaw na sagot ni kuya driver. "BUMABA KA!" shut up tuloy s ate.
  • siempre hindi mawawala ang mga tulog sa jeep. meron ako nakasabay na tulog na pasahero. ok lang sana pero biglang nagpreno ang driver, ayun c kuya nalaglag, pero sa loob lang hindi sa labas ng jeep.
  • At ang pinaka gus2 ko sa pagsakay ng jeep, pag meron akong nakakatabing gwapo. at siksikan, siempre chance ko na to help mankind. kaya asahan mo laging nakadikit dede ko sa braso o kaya sa likod nia. (meron nga ako nakasabay, aba nagustuhan cguro, kc tingin ng tingin sakin,at gus2 yta nia dalhin sa ibang level. eh prehong JG summit punta nmin, so pati sa entrance sabay kami, kaya lang dun sha sa kabilang elevator eh, pero bgo sumakay, nag smile nman ang potah, SYANG)
  • Pero pag swangit, oy sorry kahit anong gawing paraan para matsansingan ako, NO WAY! (akalain mo yun meron gus2 tsumansing sakin).

No comments:

Post a Comment