Wednesday, April 11, 2007

(para kay tragic lemon)

naaalala ko pa nung nakita kita
dika mapakali sa presence ko.
inaasar pa kita nun.
gusto kong maasiwa ka sakin

pero kinaya mo,
lalu tayong naging close
naranasan ko sayo ang maging totoo
walang panghuhusga, puro pagaalala.

tinulungan mokong magisip ng tuwid
tinuro mo sakin kung pano mangarap
mangarap sa paligid ng katotohanan

ngayon malayo kana, busy kana.
ngayon masaya ka, malaya.
masaya ako dahil nanjan ka
pero ayokong nanjan ka.

kung pwede lang sana sakin ka nlang
kung pede lang na dito ka nalang.
pero sabi mo mas kailangan ka jan.
sabi mo kakayanin ko to kahit nanjan ka.

ang galing kc kaya mo akong paliwanagan,
kaya mong ibalik sa normal takbo ng utak ko.
kaya mo yun. kaya kaya ko to.
salamat sayo. nandito parin ako.

No comments:

Post a Comment