Tuesday, April 3, 2007

sarap ng COOKIES n CREAM

3 days nako naglilihi sa kokes and kreym. although maraming nag regalo ng ice cream sakin (SALAMAT NGA PALA) pero hindi kokes and kreym ang flavor. so habang nagpapaantok ako ngayong alas 3 ng madaling araw eh nag iindulge ako sa peborit kong ice cream. Pero habang kumakain ako neto, iniisip ko kung kumain kana? iniisip ko kung ok ka lang ba jan sa trabaho mo, kung ok ba ang trato ng boss mo sayo? Sabi mo sakin wag nakong magpuyat, naging maasikaso ka nung magkasama tayo. lagi kang nanjan nung nagising ako sa katotohanan na hindi na kami masaya nung ex ko. you were always available. Pero alam naman natin na hindi ka talaga available eh. nanjan s GF na laging umaasa ng panahon sayo, na laging nagaantay ng txt galing sayo. ngayon ako na yung umaasa ng panahon mo, ng txt mo. pero alam nman natin na talo parin ako. kc nauna sha, mas mahal mo sha. tpos ako, kahit na mahalaga sayo eh kabigan mo lang na maituturing. ang sad pero yun nman talaga ako nung una pa eh, isang kaibigan. minsan mas mabuting isipin na sana hindi ka nlang naging ganun sakin, pero dito sa puso ko, maligaya ako kc naging ganun ka sakin. yun nga lang. dapat nakuntento nako sa minsang tawanan natin, minsang iyakan natin at minsang pagsasama natin. kc tignan mo ako ngayon, kumakain ng kokes and cream, ang paborito kong ice cream, pero parang meron paring kulang. parang sana nag ube o kaya mango flavor nalang ako.

default

No comments:

Post a Comment