Saturday, March 10, 2007

KOTONG COPS

Actually nanay ng cop.

Nangyari eto kaninang paguwi ko galing opisina. Araw araw kasing pumupunta ang lola ko sa barangay hall para makipagkita sa kanyang ka-rosary group. Sila ang mga lola na lakas tama kay mama mary at araw araw nagrorosaryo at nagdadasal para sa mga kaluluwa ng mga dedbol na. After nun siempre reminiscing sila ng mga kilig moments nung kabataan nila. Yung mga tipong makindatan lang sila ni gregory del pilar at emilio aguinaldo eh hindi na sila makatulog at siempre ang mga tsismisan moments nila melchora aquino at gregoria de jesus. Anyway magtatago na dapat ako sa lungga ko nang maglambing si lola na ihatid ko daw sha. Pagdating namin dun, wala pang ang national historic committe kaya tumambay nlang si lola sa katabing tindahan. Pagkaupong pagkaupo, order ang loka ng pastry at softdrinks. nagpaalam nako ng pigilan ako ni lola dahil naiwan daw pla nia ang kanyang wallet. (STYLE MO BULOK!) So cge magkano lang ba yun? Dumudukot nako ng pera nang biglang sabi ni lola bigyan ko daw sha ng 100. (HUWAAAATTT??) magkano ba ang pastry at softdrink na yun? Nalaman ko na meron pa shang utang kahapon na kaylangang bayaran.

BUWAYA~ hehe

No comments:

Post a Comment