Wednesday, March 28, 2007

A BLOG ENTRY THAT HIT HOME

Untitledall of a sudden, ayaw mo na akong makita pa. all these time tuloy paran isiniksik ko lang ang sarili ko sayo para makaramdam kahit papano ng pagmamahal. pagmamahal na ipinakilala mong buo, at totoo, pero nan nagtagal, hati pala.

pero sabi mo tanggapin ko kung ano ka. kahit ano ka pa. at ginawa ko yun. umaasa na kahit papano, makita mo ko.

pero hanggang sa huli pala, siya pa rin. ang swerte niya.

dahil yung pinapangarap kong pagmamahal galing sayo, sa kanya napupunta. yung atensyon, pag-aalala, konsiderasyon ng nararamdaman at kahit testi sa friendster na gawa mo, sa kanya lahat. exclusive lahat sa kanya.

minsan naiisip ko nang magsisi. kung bakit pa kita minahal. pero hindi ko magawa. ang hirap. hindi ko alam kung kelan kita sinimulang mahalin. at hindi ko gusto tapusin 'to.

pinapasaya mo ko sa tuwing magkasama tayo. siguro kahit masakit minsan na alam kong may mahal kang iba, okay lang, basta kasama kita. pero ngayon pati pagkikita natin ayaw mo na.

sabi mo handa ka magpakatino para sa kanya. dahil sa kanya mo nararamdamang secure ka. ang sakit tanggapin. ouch ung truth na after all, siya pa rin talaga. napaka wrong timing ko talaga sayo. at hindi ko na malalaman kun magkakaroon pa ng tamang panahon para sa atin. obyus kasing ako na lang ang ayaw bumitiw.

hindi ko kaya.

'and then i'll go away, but i'll have to love you for the rest of my life" -by the river piedra i sat down and wept

BY: MALIGNANTQUIAPO

No comments:

Post a Comment